SUGAT
Sugat na nagmarka
ay tila sariwa pa.
Alaalang di malimot
ay patuloy na
nag dadala ng poot
sa pusong wasak na.
Wala ng gamot
sa maraming galos
na iyong idinulot,
isang daang haplos
ay walang epekto
sa taong sarado
na ang isip at puso.