Sobrang bigat ng
nararamdaman ko,
hindi ko alam kung
bakit ako nagkakaganito.
bumubuti na ngunit
isang patikim lang pala
ang ginhawang aking nadama.
Tila parang ako’y
nawawala sa aking sarili
lalo’t sa gabi
na ako’y di mapakali.
Ang aking isipan ay tila
nilalason ng kadiliman
dulot ng mga imaheng
aking gusto nang kalimutan.
Pilit kong inilalagay
ang aking utak sa isang
lugar na mapayapa
ngunit ito’y hinahabol
ng mga masasamang nilalang
at patuloy itong ginagambala.
Pagod na ako sa pagpapanggap,
tila ang kapayapaan na aking minimithi ay malayong aking malasap.
Kaya ako’y wag mo ng tatanungin
sapagkat ang aking isasagot ay “okay ako” at sawa na akong magsinungaling.
Oo na hindi na kita kkulitin 😂
LikeLiked by 1 person